"Desaparesidos" 1st Place Roger Erezo
"Desaparesidos" 1st Place Roger Erezo
Ang San Pablo City Filipino-Chinese Fire Prevention and Civic Welfare Association, Inc. (SPCFCFP&CWAI) sa pangunguna ni Pangulong June Yu ay naghandog ng munting babasahing naglalahad ng “Mga Dapat Tandaan Sa Panahon Ng Sunog At Sakuna” sa BFP-San Pablo City Fire Station na sang-ayon kay City Fire Marshal Melchor B. Isidro ay ipamamahagi sa mga primary school pupils sa mga paaralang pampubliko sa Lunsod ng San Pablo ngayong Buwan ng Marso, na ipinagdiriwang bilang “Fire Prevention Month.”.Ang may 12-pahinang babasahin na iginuhit ni Christian Allen Recto (naka-inset sa larawan) na isang Grade 11 pupil sa St. Therese Montessori School of San Pablo City sa Barangay San Nicolas, na ginugulan ng asosasyon ang pagpapalimbag ay nagtuturo ng kamalayan sa mga tamang hakbanging dapat isagawa upang maligtas sakalit magkakaroon ng sunog, o may magaganap na malalakas na paglindol, at mga pagguho bunga ng matatagal at malalakas na pag-ulan.
Isinumite ng Kongreso ang isang batas laban sa mga terorismo sa Malacañang. Hinihintay nalamang ang pirma at aprobasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngunit kapag siya ay nag pasiya ng di pagkilos dito ang panukalang batas ay mawawalang bisa kapag katapos ng 30 na araw mula sa pagtanggap.
Sa ngayon kasalukuyan tayo ay nakakaranas sa isang krisis na pandemya at maraming naapektuhang Pilipino lalo na ang kanilang hanap buhay kasama na rin dito ang bagbaba ng porsyento ng ekonomiya bansa kaya mayroong mga kilos protesta na nagaganap katulad sa nangyari kamakailan sa Quezon City at sa Mindanao at marami sa kanila ang nasaktan pati narin ang ibang pulisyang nakaharap dito.
Upang maisa-ayos ang suliraning ito nag desisyon ang mga taga-Kongreso patungkol sa Anti-Terrorism Bill o tinatawag na House Bill no. 6875 at inaprubahan ito ng mga taga House Representative noong Hunyo 3,2020.
Ito ay ipinapahayag ng isang patakaran ng Estado na protektahan ang buhay, kalayaan, at pag-aari mula sa terorismo upang hatulan ang terorismo bilang walang saysay at mapanganib sa pambansang seguridad ng bansa at sa kapakanan ng mga tao at gawin ang anumang krimen laban sa Mamamayang Pilipino, laban sa sangkatauhan, at laban sa batas ng mga bansa.
Ayon kay Rep. Jericho Nograles. ng PBA Party-List ngunit ang Anti Terosrimo protektado din nito ang lehitimong paggamit sa kalayaang mamahayag at magtipon-tipon at kasuhan ang pagpaplano at paghahanda na maghasik ng terorismo at sa panahong pwedeng manmanan ang hinihinalang terorista basta may basbas ng korte at tinanggal na rin ang P500,000 na multa ngunit maaring makulong ang hinihinalang terorista nang hanggang 14 araw.
Ngunit maraming mga nag pro-protesta at mga netizens ang di sumang-ayon para sa sinasabing batas na ito. Di umano'y "Junk Terror Bill" para sa kanila , dahil dito mawawalang bisa ang "Karapatang Pantao" at pinangangambahan nilang magamit ito laban sa mga kritiko ng administrasyon at marami pwedeng kitiling buhay at mas lalong di na nila maipagpahayag ang kanilang mga karapat kapag ang batas na ito ay ipinatupad mawawalang bisa ang ginawang batas ng karapatang pantao.
Ngunit kung iintindihing ng mabuti ng Sambayanang Pilipino ang naturingan pinaaprobahang batas at kung ititigil ng mga nag pro-protesta ang mga biolente, pananakit at pagsugod sa mga pulisya.
Maaring malimitahan ng kongreso ang mga desisyong ito at kung gagawan ng tamang solusyon nang mga taga gobyerno ang kanilang mga hinihinging mga tulong para sa mga nawalan ng trabaho at di sapat ang mga nakukuhang ayuda mula sa kanila ay kung mag sasagawa sila katulad ng alternatibong hanap buhay o trabaho para matustusan ang mga pangangalingan ng mga ito dahil ang tanging sagot lamang sa mga suliraning ito ay ang pagtutulungan,pag-intindi at pagpapahalaga sa Karapatang Pantao ngunit kung palaging paiiralin natin ang katigasan ng ulo , di talaga uunlad ang ating bansa kung ang ating pairalin ay kabutihan,pag-mamahalan,pagtutulungan at pagsunod sa tamang mga layunin mawawalang bisa itong batas at maiisawasan ang mga kaguluhan sa ating bansa.
Marapat nating pahalagahan ang importansya ang ating mga karapatan at makipag tulungan sa gobyern katulad ng pagsunod sa kanilang mga utay-utay na ginagawa dahil ito ang sagot upang ang kalayaan ay makamit at ang buhay nating mga Pilipino ay maging wagi.
Artikulo: Sa ngayong kasalukuyan ang ating mundo ay nakakaranas ng isang kababalaghag pagbabago ng klima, marahil sa sobrang init na temperature mula sa araw na punta patungo sa ating mundo na nag reresulta sa pabago-bagong mga balanse ng panahon at eko-sistema sa loob ng mahabang panahon.
Sa katunayan , Ayon sa Solar Impulse Foundation ang average na temperature ng ating planeta ay nadagdagan ng 0.8 celcius kumpara sa katapusan noong ika-19 na siglo ang bawat isa sa huling tatlong dekada ay mas mainit kaysa sa lahat ng nakaraang mga dekada mula nang pasimulan ang static survey noong 1850.
Bagkus, mas bumilis ang kasalukuyang paglabas ng CO2 (Carbon Dioxide) dahil sa mga buga ng usok ng mga sasakyan,patuloy na ilegal na pagpuputol ng puno , illegal mining industries at nang mga gusaling nag lalabas rin ng sobrang itim na usok kaya inaasahan ng mga siyentipiko ang lalong pang tataas ng pagitan ng 1.5 degree at 5.3 celcius (34.7 degree hanggang 41.5 degree na humigit 2,100 na temperature kaya mas tataas ang tiyansa na nang pagbabago ang klima sa ating mundo dahil sa mga maling gawain ng mga tao bagkus, maraming maaapektuhan sa patuloy na paginit ng mundo at sa pabago-bagong klima, katulad nang biodiversity ng ating mundo na nangangambala sa mga eko-sistema, binabago ang mga kondisyon at siklo ng mga halaman at nababago ang migratory cycle ng mga hayop katulad ng extinction ng mga ito dahil sa uhaw at walang maayos na tirahan ng mga endemic species lalo na sa karagatan , dahil sa pandaigdigang pag-init ng ,mundo ang permafrost at yelo ay unti-unti nang natutunaw katulad sa Antartika marami ring polar bear ang nadadamay na tinuturing na endangered sa Estados Unidos dahil sa kanilang mga tirahang yelo sa dagat ay nasa ilalim ng banta marahil sa pabago-bagong klima at marami ring namamatay na coral reefs dahil sa mga illegal na pangingisda (cyanide fishing) ng mga tao at pagtatapon ng basura sa dagat kaya labis ang mga naaapektuhan na mga isda.
Datapwat, sa loob na dekada, ang mga meteorologist at mga climatologist sa buong mundo ay nagoobserba ng mga nagiging epekto ng pandaigdigang pag-init sa mga penomina ng panahon at ang epekto napakalaki at mas maraming mga droughts at heatwaves at higit na pumapasok na kalamidad tulad ng baha,bagyo at wildfires, free-frost season sapagkat, sa ating mga maling gawain sa ating kalikasan marami rin tayong nararanasang pagbabago sa ating mundo ito ang magiging dahil sa pagkabingit ng ating buhay bagkus , hindi na ligtas lalo na para sa ating mga kalusugan at sa pagbaba ng ekonomiya dahil sa kakulanga nang pag proprodyus ng mga pangangailangan dahil sa pabagobagong klima di na makapagtanim ng ayos ang mga magsasaka dahil minsan nakakaranas ng El Nina at La Nino at marahil din sa pagbugso ng mga bagyo,lindol at mga pagputok ng mga bulkan lalo na ngayon tayo ay nakakaranas ng isang pandemya at marami sa ating labis na napektuhan at mas bumababa ang bilang nang taong gumagaling at bumaba rin ang bilang ng ekonomiya sa bawat bansa.
Ayon sa pag-aaral ng Department of Health mayroong dalawang maaring sanhi ang global warming una ang natural na pagbabago ng klima ng buong mundo nitong mga nagdaang matagal na panahon. Ito ay sama-samang epekto ng enerhiya mula sa araw, sa pag-ikot ng mundo, at sa init na nagmumula sa ilalim ng lupa na nagpapataas ng temperatura o init sa hangin na bumabalot sa mundo. Mga gawain ng tao na nagbubunga ng pagdami o pagtaas ng carbon dioxide at iba pang greenhouse gases (GHGs). Ang GHGs ang nagkukulong ng init sa mundo. Ang pagbuga ng carbon dioxide ng mga sasakyang gumagamit ng gasolina, ang pagputol ng mga puno na siya sanang mag-aalis ng carbon dioxide sa hangin, at pagkabulok ng mga bagay na organic na nagbubunga ng methane (isa pang uri ng GHGs) ay ilan sa mga dahilan ng pabago-bagong klima mayroon din epektong pangkalusugan sa mga tao ang matinding init, tagtuyot at bagyo ,pagtaas ng bilang ng kaso ng mga sakit na dala ng tubig o pagkain tulad ng choler at iba pang sakit na may pagtatae dala ng insekto tulad ng lamok )malaria at dengue) at ng daga (Leptospirosis), dulot ng polusyon (allergy), malnutrisyon at epektong panglipunan dulot ng pagkasira ng mga komunidad at pangkabuhayan nito.
Upang matugunan angpatuloy na suliraning ito mayroong isang , Irish-physicist na gumawa ng mabisang pangontra sa labis na init ng araw na napunta sa ating mundo ito ay si John Tyndall na sinimulan noong 1859 at naglathala siya ng isang serye ng mga pag-aaral sa paraan ng mga gas ng greenhouse kasama ang carbon dioxide na nakulong ng init sa kapaligiran ng ating mundo at may mga organisasyong ang Greenhouse Effect ay mahalaga para sa buhay sa mundo mayroon ding nag sasagawa ng mga “Renewable Energies” upang maiwasan ang pagdami ng (CO2) at maiwasan nang gumamit ng mga fossil fuels o gas katulad ng solar panels, LED lights at wind mill.
Ang sustainable transportation o carpooling makakatulong ito sa pagbabawas ng CO2 at sa gayon ay mas mapupugsa ang pandaigdigang init at ang pa hihikayat ng mahusay na paggamit ng mga likas na yaman ,pagtigil ng napakalaking deforestation pati na rin ang mga paggawa ng greener ng agrikultura at mas mahusay ay dapat ding maging prayoridad at ang pagpaptibay ng responsableng gawi sa pagkonsumo upang mas matugunan ang mga pangangailangan sa ating mundo at mabawasan ang pagaaksaya.
Marahil nga mayroong nagaganap na krisis sa ating mundo bumaba ang bilang ng CO2 katulad sa Pilipinas dahil sa pinatupad na ECQ o (Enhance Community Quarantine) bagkus kakaonti lamang ang gumagamit ng sasakyan,nilimitahan ang mga lumalabas na tao at ipinasara ang ibang mga establisimento kaya nabawasan ang polusyon, kaya malaking tulong ang isinagawang ito dahil hindi lamang mundo ang natutulungan gumaling pati narin tayong mga tao dahil naibsan ang polusyon sa ating bansa. Sapagkat tayo rin namang mga tao ang makakatulong sa ating Inang Kalikasan kapag ipinagpatuloy natin ang mga tamang gawain sa pagpuksa ng mga suliraning ating kinakaharap kung tayo ay magtutulungan at pahahalagahan ang mga biyayang mula sa ating Diyos tayo ay makakamit ng saya at ang buhay natin ay mananatiling wagi.